BPATs, sumailalim sa isinagawang Awareness Lecture ng Tarlac PNP

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng BPATs sa isinagawang Lecture at Awareness Seminar ng mga tauhan ng Tarlac City Police Station sa Barangay Asturias, Tarlac City nito lamang Huwebes, ika-20 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ni Police Lieutenant Colonel Sean C Logronio, Acting Chief ng Tarlac City Police Station.

Nagbahagi ng kaalaman ang mga tauhan ng Tarlac PNP patungkol sa Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, RA 8353 o Anti-Rape Law, RA11930 or the “Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse, Welfare System, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Katarungang Pambarangay na nilahukan ng mga BPATs members, 4Ps at Barangay Officials.

Ito ay isang paraan ng ating PNP para hikayatin ang mamamayan na makiisa sa programa para sa kaayusan at kapayapaan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *