Advocacy Support Group, nagsagawa ng Mangrove Planting Activity

Nagsagawa ng Mangrove Planting Activity ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Barangay Cabuguana, Carles, Iloilo nito lamang ika-27 ng Hunyo 2024.

Kasama sa aktibidad ang mga tauhan ng Carles Municipal Police Station bilang bahagi ng paglulunsad ng BAKHAWANihan Project at pagdiriwang ng Philippine Arbor Day.

Layunin ng grupo na magkaroon ng malawakang pakikilahok mula sa iba’t ibang sektor upang mapanatili ang kagandahan at kaayusan ng kapaligaran sa kanilang lugar.

Patuloy ang grupo sa kanilang mga hakbang upang maging bahagi ng mga programang pangkapaligiran na nagsisilbing proteksyon sa mga iba’t ibang uri ng sakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *