BPATs nakilahok sa IDADAIT Lecture ng Camiling PNP
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Teams (BPATS) sa isinagawang International Day Against Drug Abuse and Ilicit Trafficking (IDADAIT) lecture ng mga tauhan ng Camiling Municipal Police Station sa Barangay San Isidro, Camiling, Tarlac nito lamang Huwebes, ika-27 ng Hunyo 2024.
Pinangunahan ito ni Police Lieutenant Colonel Sonny S Bitaga, Acting Chief of Police ng Camiling MPS, katuwang ang mga opisyales ng naturang barangay.
Ang nasabing aktibidad ay may temang “The evidence is clear: Invest in Prevention” na naglalayong palakasin ang aksyon at kooperasyon sa pagkamit ng kaayusan, malaya sa pag-abuso sa droga at magkaroon ng progresibong pamumuhay ang bawat indibidwal sa hinaharap.
Nagbigay kaalaman ang pulisya tungkol sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 (BIDA Program), at E.O 70 NTF ELCAC, law enforcement procedures, kabilang na din sa isinagawa ay ang BPOC orientation at BPATs duties and function.
Ang pagkakaisa ang susi ng kaunlaran ng bansa kaagapay ang mga BPATs na kaisa ng PNP sa pagpapanatilii ng kaayusan at kapayapaan.