KKDAT Hingyon Chapter, nakiisa sa pagdiriwang ng IDADAIT 2024

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Hingyon Chapter sa pagdiriwang ng International Day Against Drug and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2024 sa Bitu, Hingyon, Ifugao nito lamang ika-29 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng Hingyon Municipal Police Station katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Hingyon, mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office, KKDAT, at mga miyembro ng Bangtinon Youth Ministry.

Kabilang sa serye ng aktibidad ang isinagawang talakayan hinggil sa kamalayan sa ilegal na droga at Oplan Pani-O o ang Anti-Rape Campaign.

Masigla ring nakilahok ang mga kabataan sa mural painting sa mga itinalagang mga pader para sa mga temang Anti-ilegal drug campaign.

Ang aktibidad ay patunay sa nagkakaisang hangarin ng komunidad kasama ang pulisya at lokal na pamahalaan na isulong ang isang mapayapa at ilegal drug free community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *