KKDAT Sabangan Chapter, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Sabangan Chapter sa isinagawang Tree Planting sa Barangay Namatec, Sabangan, Mountain Province nito lamang ika- 29 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Namatec katuwang ang mga tauhan ng Sabangan Municipal Police Station, 1st PMFC, mga tauhan ng Namatec Patrol Base, CENRO-Sabangan, Namatec BLGU, SK members, at mga volunteers.

Nakapagtanim ang mga grupo ng 200 piraso ng Benguet pine tree seedlings.

Ang aktibidad ay naglalayong palawakin ang kamalayan at ugnayan sa bawat miyembro ng komunidad sa adbokasiyang nagtataguyod sa pangangalaga sa kapaligiran.

Panulat ni Melba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *