LGU-Roxas, nagbigay serbisyo sa mahigit 600 residente ng Nicanor Zabalo
Isang matagumpay na LGU CARAVAN ang naisagawa sa Barangay Nicanor Zabala, Roxas, Palawan kaugnay ng pagdiriwang ng nasabing Barangay ng 2nd Pangadlawan Festival noong Hunyo 28, 2024
Naiparating sa mga residente ang mga libreng serbisyo gaya ng libreng gupit at libreng tuli na pinangasiwaan ng kapulisan ng 2nd Palawan PMFC sa pangunguna ni PLt Jose Mari D Almazan, Operations Officer sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Mhardie R Azares, Force Commander at nasa 43 na mga kabataang lalaki ang nakatanggap ng libreng serbisyo.
Samantalan, nasa 320 na mga residente naman ang napagkalooban ng libreng konsultasyon at gamot mula sa Rural Health Unit ng Roxas sa pangunguna ni Municipal Health Officer, Dra. Dominique G. Parreño.

May naitala ring 198 na mga residente sa Blood Typing, 332 Blood Smear (Malaria), 35 katao naman ang nagpakonsulta ng kanilang nutrition, 21 ang nabigyan ng serbisyo ng MCR-Civil Documents Concerns, 30 sa PDAO Concerns at 21 ang nagparehistro sa Philhealth.
Hangarin ng programa na mailapit ang mga pangunahing serbisyo publiko sa mga mamamayan ng libre lalo sa malalayong purok at barangay sa pagtutulungan ng LGU-Roxas.
Source: 2nd Palawan PMFC