50th Nutrition Month Celebration, isinagawa ng San Juan LGU

Pinangunahan ng San Juan Local Government Unit ang isinagawang 50th Nutrition Month Celebration sa San Juan City nito lamang Lunes, Hulyo 1, 2024.

Ang selebrasyon ay aktibong nilahukan ng 21 na Barangay ng lungsod kasama ang San Juan City Police Station kung saan naglatag ng masustansyang pagkain at nagpakita ng isang malusog na pamumuhay.

Layunin ng kaganapang ito na bigyang halaga ang ating kalusugan sa pagkain ng masusustansya upang hindi kapitan ng mga malulubhang karamdaman para sa isang malusog at maunlad na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *