Bagong miyembro ng KARANCHO Gusa Chapter, nanumpa

Nanumpa sa katungkulan ang mga bagong talagang miyembro ng KARANCHO Gusa Chapter na ginanap sa Kamakawan, Indahag, Cagaya de Oro City nito lamang ika-1 ng Hulyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Felix R Suaner Jr. Chairman ng KARANCHO Gusa Chapter.

Mayroong 10 bagong miyembro ang kanilang grupo na karagdagang makakatuwang ng PNP sa programang pagpapatibay ng relasyon sa komunidad.

Nangako naman ang mga bagong talagang miyembro ng KARANCHO Gusa Chapter na patuloy na makikiisa sa mga adbokasiya ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *