BPATs” Training at Seminar, isinagawa sa Sorsogon
Aktibong dinaluhan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at Opisyales ng Barangay Bacolod, Puting Sapa at Barangay Buraburan ang isinagawang Skills Enhancement Training at Seminar na pinangunahan ng Juban MPS na ginanap sa Juban, Sorsogon nito lamang ika-29 ng Hunyo 2024.
Tinuruan din ang mga miyembro ng BPATs patungkol sa legal na aspeto ng pag-aaresto at tamang pamamaraan upang ipaalam at ipaunawa ang mga karapatan ng isang taong naaresto at paggamit ng makatuwirang pwersa kung kinakailangan.
Tinalakay din dito ang mga batas na nagpoprotekta sa mga kababaihan tulad ng Violence Against Women and their Children (RA 9262), Safe Spaces Act (RA 11313) at Anti-Rape Law (RA 8353), Anti Child Abuse (RA 7610) at ang Katarungan Pambarangay. Namigay din nang babasahin tungkol sa Karapatan ng kababaihan at kanilang kabataan at E-Clip na programa ng gobyerno.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong bigyan ang mga BPATs ng mga kailangang kasanayan at kaalaman upang mabisang maisagawa ang kanilang mga responsibilidad sa pagpapanatili ng kaligtasan at kapayapaan sa loob ng kanilang barangay.
Photos Credit/Source: Juban MPS of Sorsogon PPO
Panulat ni PCpl Brian B Imperial