KKDAT, nakiisa sa Lectures sa Malapatan, Sarangani Province
Aktibong nakiisa ang mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang lectures ng LSWDO na ginanap sa Barangay Kinam, Malapatan, Sarangani Province nito lamang Sabado, ika-29 ng Hunyo 2024.
Pinangunahan ng Local Social Welfare and Development Office ang aktibidad katuwang si Ms Charmaine April L Bernabe, Municipal Link.
Nagbigay din ng mga impormasyon ang mga tauhan ng WCPD ng Sarangani Police Provincial Office.
Dumalo sa aktibidad ang mga miyembro ng IPs at 4Ps kasama ang kanilang mga anak na may edad na 12-18 na taong gulang.
Tinalakay ang mga batas na RA 11930 ( Anti-Online Sexual Exploitation of Children and Anti Child Sexual Abuse Materials Act) at RA 11596 ( Prohibition Of Child Marriage Law).
Layunin ng talakayan na ito na mabigyan ng kamalayan at kaalaman patungkol sa mga mga karapatan at mga batas na nagproprotekta sa kanila.
Ito rin ay naglalayong magbigay paunawa at mga kaalaman upang mapabuti ang kalagayan ng mga kabataan sa ating lipunan.
Panulat ni Bambam