Advocacy Support Groups, nakiisa sa Clean-up Drive
Nakiisa ang miyembro ng Advocacy Support Groups sa isinagawang clean-up drive sa Barangay Losad-Barangay Poblacion, Sabangan, Mt. Province nito lamang Hulyo 4, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga kapulisan ng Sabangan Municipal Police Station at 1st Mt. Province Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo-Sabangan Chapter, Faith-Based group, Barangay officials, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Health Workers, mga miyembro ng 4Ps at Sangguniang Kabataan.
Ang inisyatibong ito ay kaugnay sa 29th Police Community Relations Month na may temang “Ligtas Ka Sa Bagong Pilipinas” kung saan sama-samang namulot ng mga kalat at basura ang mga nasabing grupo na nakalikom ng sako-sakong basura sa paligid ng ilog.
Ito ay isa lamang sa mga isinasagawang hakbang ng PNP, iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mamamayan upang mapanatili ang malinis at ligtas na kapaligiran at mahikayat ang mamamayan na iligpit at itapon ang mga basura sa dapat nitong kalagyan.