Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa CDO

Aktibong nakilahok ang mga force multipliers at advocacy group sa isinagawang coastal clean-up drive sa Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang Hulyo 6, 2024.

Ang naturang aktibibad ay nilahukan ng Karancho Lumbia Chapter, Climbs Life and General Insurance Cooperative, COCPO Multipliers at Kusgan Volunteers Incorporated.

Nakiisa rin ang mga personahe ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 10 katuwang ang Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail and Management Penology.

Kapit-bisig na naglinis ang mga naturang grupo na nakakolekta ng sako-sakong mga basura.

Ang aktibidad ay naglalayong magtaguyod ng pakikiisa at kooperasyon ng komunidad sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *