TUPAD Program, naipamahagi sa Zamboanga del Norte
Labis na ikinatuwa ng mga residente ng Sitio Makinaryas nang matanggap ng tulong pinansyal na nagmula sa Tulong Pang-hanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program sa Barangay Bunawan, Godod, Zamboanga del Norte nito lamang ika-5 ng Hulyo 2024.
Pinangunahan ng Department of Labor and Employment Zamboanga del Norte Field Office, Liloy Satellite Office, Salug Farmers Multi-Purpose Cooperative at ni Hon Armando M Balladares, Barangay Captain ng Barangay Bunawan, Godod, Zambonga del Norte katuwang ang 2nd Zamboanga del Norte Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Major Bill Fernando Jumalon, Officer-In-Charge.
Ang hangarin nito ay nagmarka ng isang malaking tagumpay ng may inisyatibo at suporta sa pagpapalakas ng mga marginalized at displaced na manggagawa sa komunidad upang gumawa ng makabuluhang paglalakbay tungo sa katatagan ng ekonomiya.