KKDAT Bislig Chapter, lumahok sa Tree Planting Activity
Lumahok ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Bislig Chapter sa isinagawang Tree Planting Activity sa 11th GICP/GMST “Tanim Para sa Kalikasan Part 7” ng Bislig City Police Station kasama ang DENR-CENRO na ginanap sa Barangay San Fernando, Bislig City, Surigao del Sur bandang 8:00 ng umaga nito lamang Hulyo 7, 2024.
Ang tema ng aktibidad: “Magtanim ng Kahoy para Maprotektahan ang Kalikasan para sa Tao at Bayan” ay nagbigay diin sa kahalagahan ng pagtatanim ng puno bilang pangunahing hakbang sa pangangalaga ng kalikasan.
Ang aktibidad ay mahalaga upang mapanatiling balanse ng ating kalikasan at matiyak ang mga susunod na henerasyon ay makakaranas ng isang malinis at maayos na kapaligiran.
Sa pagtutulungan ng Bislig City Police Station, KKDAT Bislig Chapter, at DENR-CENRO, matagumpay na naisakatuparan ang layunin ng programa na hikayatin ang mga komunidad na kumilos para sa kalikasan.