Coastal Clean-up Drive isinigawa ng mga SK Member

Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang mga Sangguniang Kabataan ng Barangay Making sa Sitio Zone Beach, Parang, Maguindanao del Norte nito lang araw ng Huwebes, ika-11 ng Hulyo 2024.

Nakiisa rin sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng National Police Commission BARMM at boluntaryong nakiisa ang mga kapulisan ng PRO BAR.

Layunin ng aktibidad na ito na paigtingin ang proteksyon at konserbasyon ng kapaligiran at itaas ang kamalayan ng komunidad sa mga usaping pangkalikasan.

Inaanyayahan naman ang komunidad na pangalangaan ang kalikasan at huwag basta magtatapon ng basura lalong lalo na sa mga dagat na siyang pinagkukunan ng pagkain at hanapbuhay ng mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *