Advocacy Support Group, nakiisa sa Community Outreach Program

Nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Community Outreach Program na ginanap sa Barangay Sawang, Guindulman, Bohol noong ika-25 ng Hulyo 2024.

Ang makabuluhang aktibidad ay pinangunahan ng Guindulman Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Zeus Livin C Bugtai, Chief of Police, kasama ang mga opisyales ng barangay sa pamumuno ni Barangay Captain Primo Ranario.

Ang kanilang pagsisikap ay nagpakita ng tunay na diwa ng bayanihan at pagtutulungan sa Barangay.

Sa ilalim ng programang “Bagong Pilipinas,” layunin ng ganitong aktibidad na ipakita ang mas pinabuting serbisyo ng pamahalaan sa kanilang mga nasasakupan. Ang pag-aabot ng tulong at regalo ay isang hakbang upang maipadama ang malasakit at pagkalinga ng gobyerno sa mga mamamayan.

Source: Guindulman MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *