Brigada Eskwela 2024, isinagawa sa Sulu

Matagumpay na naisagawa ang Brigada Eskwela sa Lapak Agriculture College, Pandami Campus, Barangay Hambilan, Pandami, Sulu noong ika-25 ng Hulyo 2024.

Dinaluhan ng mga magulang, estudyante, at mga guro ang naturang aktibidad katuwang ang mga personahe ng Pandami Municipal Police Station na pinamunuan ni Police Captain Rizhard L Julkanain, Officer-In-Charge.

Ang aktibidad na ito ay may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan sa Bangsamoro” na naglalayong tiyakin na ang mga paaralan ay malinis, at kaaya-aya para sa mga mag-aaral.

Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang ugnayan ng PNP at komunidad sa pamamagitan ng pakikipagtulungan upang masiguro ang maayos na pagbubukas ng klase para sa darating na pasukan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *