Climbs Life and General Insurance Cooperative, nakiisa sa Brigada Eskwela

Nakiisa sa isinagawang Brigada Eskwela sa Kiyam-is Elementary School, Barangay Lumbia at Bonbon National High School sa Barangay Bonbon Cagayan de Oro City ang mga tauhan ng Climbs Life and General Insurance Cooperative nito lamang ika-25 ng July 2024.

Ang aktibidad ay nilahukan ng mga guro, mag-aaral at magulang ng mga nasabing paaralan.

Nasa 200 kabataan ang nabigyan ng tulong sa nasabing aktibidad kung saan nabahagihan ng school supplies, cleaning materials, mga pintura at water jars.

Labis naman ang kasiyahan ng mga bata sa natanggap na tulong na magagamit sa kanilang pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *