Barangay Based Advocacy Group, nakiisa sa Oplan Balik Eskwela 2024

Nakiisa ang mga kasapi ng Barangay Based Advocacy Group sa isinagawang Oplan Balik Eskwela 2024 sa mga paaralan na sakop ng Reina Mercedes, Isabela nitong ika-29 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Reina Mercedes Police Station sa pamumuno ni PMaj Charles B Cariño, Officer-in-Charge, kasama ang mga grupo ng Highway Patrol Group (HPG), Barangay Peace Action Team’s (BPAT’s) at iba pang Force Multipliers.

Ang grupo ay nagbigay ng Police Assistance at nagsagawa Traffic control sa iba’t ibang paaralan ng nasabing lugar upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral maging ang mga guro at mga magulang.

Ang Barangay Based Advocacy Group at iba  pang Force Multipliers katuwang ang Pambansang Pulisya ay patuloy ang pagkakaisa upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan tungo sa Isang ligtas na bagong Pilipinas.

Source: Reina Mercedes Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *