Two-Day BPAT Enhancement Seminar, Isinagawa sa Maguindanao del Norte

Matagumpay na naisagawa ang Two-Day Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) Enhancement Seminar sa Brgy. Making, Parang Maguindanao del Norte mula ika-26 hanggang 27 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ni Kgg. Joe Allan Barreto ang naturang aktibidad katuwang ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at Regional Police Community Affairs and Development Unit-Bangsamoro Autonomous Region (RPCADU BAR) na pinamunuan ni Police Colonel Jaime N Barredo Jr. na nagsilbi ring tagapagturo.

Tinalakay sa naturang gawain ang Unarmed Hand-to-Hand Combat at Disaster Relief and Rescue Operation, at nagkaroon din ng praktikal na pagsasanay sa ikalawang araw tulad ng 7-strike of arnis at rescue operation.

Layunin ng nasabing programa ang patuloy na pagpapaunlad ng kaalaman, pagsuporta sa pagsulong ng kapayapaan, paglaban sa karahasan, at pagpapatupad ng mga inisyatiba sa pagpapanatili at pagkamit ng ligtas at maunlad na barangay.

Ang BPAT ay itinatag sang-ayon sa Executive Order No. 546 s. 2006 na nagbibigay kapangyarihan sa kapulisan na magtalaga ng mga barangay tanod bilang force multiplier sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa kani-kanilang mga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *