Bloodletting Activity, isinagawa sa Lanao del Sur
Matagumpay na naisakatuparan ang isinagawang bloodletting activity sa Tennis Court, New Capitol Complex, Marawi City Lanao del Sur noong ika-28 ng Hulyo 2024.
Naging inisyatibo ng mga tauhan ng Rotary Club of Marawi City sa ilalim ng Rotary International District 3870 ang naturang aktibidad kaiisa ang tanggapan ng Blood Bank ng Amai Pakpak Medical Center, mga tauhan ng BFP at boluntaryo ding nagdonate ng dugo ang mga personahe ng Lanao del Sur Police Provincial Office na pinangunahan ni Police Colonel Robert S Daculan, Provincial Director.
May kabuuang 19 bag o 8,550 cc ng dugo ang naipon mula sa mga blood donors.
Ang ang aktibidad ay may temang “Give Blood, Save Lives”, na naglalayong makapagbigay ng libreng dugo sa mga residenteng nangangailangan.
Patuloy ang pagsuporta ng pulisya at iba pang ahensya ng pamahalaan sa mga programa at proyekto upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa anumang aspeto.