Clean-up Drive, isinagawa sa Itbayat, Batanes

Nagsagawa ng Clean-up Drive Activity ang mga barangay officials at Barangay Peace Keeping Action Team (BPATs) katuwang ang mga tauhan ng Itbayat Municipal Police Station sa Barangay Sta. Lucia, Itbayat, Batanes noong Ika-3 ng Agosto 2024.

Ang aktibidad ay nakatuon sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig, kabilang ang mga estero, kanal, at mga drainage, partikular sa mga barangay na lubhang naapektuhan ng Bagyong Carina. Nais nitong bigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng malinis na mga daluyan ng tubig bilang isang preventive measure laban sa pagbaha at bilang isang proactive na estratehiya sa paghahanda para sa La Niña.

Sa pamamagitan ng gawaing ito ay masisiguro ang pagpapahalaga sa pagkakaroon ng produktibong komunidad na may layuning palakasin ang ugnayan at pagkakaisa ng kapulisan kasama ang ibang sektor ng lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *