BPATs at Criminology Interns, nakilahok sa Enhancement Training

Aktibong nakilahok ang mga BPATs at Criminology Interns sa isinagawang Training at Lecture na ginanap sa Barangay Lower Pangil, Ipil Zamboanga Sibugay nito lamang Sabado, ika -14 ng Setyembre 2024.


Ang aktibidad ay inisyatibo ng 2nd Provincial Mobile Force Company Sibugay na pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Atty. Flint S Depnag, Force Commander, katuwang ang local constituents at barangay officials.
Ang mga BPATSs at Criminology Interns ay nakilahok sa mga scenario-based exercises upang isabuhay ang mga tunay na hamon sa seguridad lalo na sa Barangay Tanod bilang First Responder, Pangangalaga at Proteksyon ng Crime Scene, Pamamahala sa Krisis, Pagsulat ng Incident Report at Human-rights based approach sa Barangay Peace Keeping.
Ang ganitong mga pagsasanay ay patunay ng kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga barangay. Ang patuloy na pag-unlad at pagsasanay ng BPATs ay mahalaga sa pagkakaroon ng ligtas at maayos na komunidad.