Information Awareness, isinagawa sa Malvar Batangas
Aktibong nakilahok ang sektor ng kababaihan sa isinagawang Information Awareness na ginanap sa Barangay Santiago, Malvar, Batangas nito lamang Linggo, ika-4 ng Agosto 2024.
aisagawa ang aktibidad sa pangunguna ni PEMS Minerva M. Galapin, sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Ralph Gannaban Dayag na hepe ng Malvar Municipal Police Station; kasama rin sa naturang gawain ang mga miyembro ng kababaihan at devotees ng Grand Harvest Christian Ministries Incorporated.
Tinalakay sa mga dumalo ang patungkol sa rape awareness, BIDA program, robbery at theft safety tips. Layunin nito na maprotektahan ang mga kababaihan upang magkaroon ng ligtas at payapa na pamumuhay.
Ang ganitong uri ng aktibidad ay naglalayon na mabigyan pa ng dagdag kaalaman ang mga mamamayan para maiwasan ang paglabag sa karapatang pantao at mapanatiling ligtas ang komunidad tungo sa Bagong Pilinas.