BLGU, nagsagawa ng Clean-up Drive sa Lanao del Sur

Matagumpay na isinagawa ang Clean Up-Drive sa pangunguna ng Barangay Local Government Unit ng Brgy. Daguan, Kapatagan, Lanao del Sur nito lamang ika-11 ng Setyembre 2024.

Pinangunahan ng BLGU ang naturang aktibidad katuwang ang mga personahe ng Kapatagan Municipal Police Station at mga residente nito na nagtulungan upang malinis ang kapaligiran sa komunidad.

Ang aktibidad na ito ay nagsisilbing isang hakbang upang matugunan ang mga suliraning pangkalusugan na maaaring idulot ng hindi tamang pagtatapon ng basura, kasabay ng pagsusulong ng kalikasan at kamalayan sa kapaligiran na naaayon sa adhikain ng Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *