City Nutrition Office of Taguig, nakiisa sa Community Outreach Program

Nakiisa ang City Nutrition Office of Taguig sa isinagawang ng Community Outreach Program sa Brgy. Central Bicutan, Taguig City nito lamang Martes, Setyembre 10, 2024.

Katuwang ng opisina ang mga tauhan ng 7th Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO.

Namahagi ang grupo ng 30 pirasong grocery packs na pinayaman ng mahahalagang bitamina at mineral para sa mga bata. Kasama sa mga pagkaing pambata na ipinamigay ay tulad ng cereal, meryenda na mayaman sa sustansya, at mga prutas.

Bawat isa ay pinili nang maingat upang matugunan ang mga pangangailangan ng maliliit na bata. Nagsisilbi ang gawaing ito na maibigay pangangailangan sa nutrisyon ng bawat kabataan upang palakasin ang mga ugnayan sa komunidad, na nagpapatibay sa paniniwala na ang kalusugan ay isang shared responsibility.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *