BPATs Bangaan, sumailalim sa Pagsasanay
Sumailalim ang Barangay Peacekeeping Action Team ng Barangay Bangaan sa isang pagsasanay na isinagawa ng mga kapulisan ng Mountain Province 1st Provincial Mobile Force Company sa Barangay Bangaan, Sagada, Mountain Province nito lamang ika-12 ng Setyembre 2024.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Mountain Province 1st Provincial Mobile Force Company ang aktibidad katuwang ang mga tauhan ng Sagada Municipal Police Station at ng Local Government Unit ng nasabing lugar. Kasama rin sa mga aktibong lumahok sa nasabing aktibidad ang mga barangay officials ng Bangaan, Sagada.
Tampok sa aktibidad ang makabuluhang talakayan tungkol sa batas trapiko, anti-kriminalidad, Project Binnaga, BPATs first responders, gamit at teknik ng paggamit ng posas at baton, at iba pa. Layunin ng aktibidad na mapanibago at maisaaktibo ang kaalaman ng mga miyembro ng BPATs at barangay officials sa kanilang mga responsibilidad at tungkulin bilang peacekeeping personnel at bilang kasangga ng Pambansang Pulisya sa pagsugpo sa mga krimen sa barangay at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan alinsunod sa adhikain ng pamahalaan na mapabuti ang estado ng bansa tungo sa Bagong Pilipinas.