Indigenous People, nakiisa sa isinagawang Community Outreach Program
Nakiisa ang mga miyembro ng Indigenous People ng Sitio Calao, San Jose, Mayantoc, Tarlac sa isinagawang Community Outreach Program ng mga tauhan ng Tarlac 2nd Provincial Mobile Force Company sa nasabing lugar nito lamang Sabado, ika-14 ng Setyembre 2024.
Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Santi Frey D Lorenzo, Acting Force Commander ng Tarlac 2nd PMFC, katuwang ang Samahang Ilocano Pilipinas International 1972 Gerona Chapter.
Namahagi ang mga nasabing grupo ng libreng pagkain, sanitary supplies at school supplies.
Layunin nito na maghatid ng tulong sa mga miyembro ng Indigenous People at inspirasyon upang magpatuloy at para makapag tapos ng pag-aaral ang mga bata.