LYDC, lumahok sa Youth Development Session
Aktibong lumahok ang mga miyembro ng Local Youth Development Council sa dalawang araw na Youth Development Session na ginanap sa Dagara Integrated School, Dagara, Kabugao, Apayao noong ika-12 hanggang ika-14 ng Setyembre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay may temang “Unlocking Youth Potential; Empowering through Actions na pinangunahan ng Kabugao-LGU katuwang ang Department of Social Welfare and Development, Municipal Social Welfare & Development Office, Local Youth Development Office, Kabugao Municipal Police Station, BFP-Kabugao, Department of Education, at Sangguniang Kabataan at Dagara Integrated School.
Sa aktibidad, tinalakay ang tungkol sa Anti-Illegal Drugs, Mental Health awareness, Bandaging and Splinting, Ways to be effective leader, Stress Management, Anti-Terrorism, The stages of Youth Recruitment of CPP-NPA-NDF at Sulat Kamay na sinundan ng Signature Campaign.
Ang Youth Development Session ay nagpapakita kung gaano kahalaga para sa mga kabataan ang mga kasanayan at kaalaman na kanilang natututunan sa mga ganitong aktibidad upang magamit nila sa kanilang pag-unlad at pagharap sa mga hamon sa buhay.