Stakeholders ng CALABARZON, nagsagawa ng Bloodletting Activity

Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang mga Stakeholders ng CALABARZON na may temang “Dugtong Buhay, Handog ng Lingkod Bayan” bilang pakikiisa sa 124th Philippine Civil Service Anniversary Celebration na pinangunahan ng Philippine Red Cross Laguna Chapter sa Laguna Cultural Center, Provincial Capitol Compound, Santa Cruz, Laguna nito lamang Huwebes, ika-12 ng Septyembre 2024.

Ang naturang atibidad ay binuo ng Civil Service Commission Region IV-A na pinamumunuan ni Dir. Maria Leticia G. Reyna, Regional Diirector, CSCRO-IV na nilahukan ng iba’t ibang tauhan ng PNP, BJMP, BFP, Water District at Local Government Unit ng Laguna, private agencies at ng Philippine Red Cross, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna.

Nasa 400 ang kabuuab na nakiisa at 293 na donors ang matagumpay na nagbigay ng dugo katumbas ng 131,850 CC.

Ang pakikilahok ng Non-Government Organization (NGOs) , volunteers at PNP ay biyayang maituturing lalo na sa mga ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.

Ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ay patunay lamang ng malasakit at suporta ng bawat isa sa ating mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *