200 mag-aaral, benepisyaryo sa Community Outreach Program
Nagsilbing benepisyaryo ang 200 mag-aaral mula sa Procopio A. Mejellano Sr. Elementary School sa isinagawang joint community outreach ng Guardians Brotherhood Inc. at Federation President of all Barangay Captains/Board Members of Davao Occidental nito lamang Setyembre 18, 2024.
Ang naturang programa ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel De Quincio R. Pante, Force Commander 1st Davao Occidental Provincial Mobile Force Company katuwang si Hon. Bianca Ricci Bautista-Navarra, Barangay Chairman ng Lacaron at Presidente ng FABC.
Nakiisa rin rito si Company Advisory Group Secretary Jocylyn A. Moresca at Guardians Brotherhood Inc. Malita Chapter President Emelyn B. Solis.
Handog ng programang ito ay libreng bag, school supplies, food packs at gupit para sa mga bata at pati na rin sa mga pamilya ng mga ito.
Ang tagumpay ng inisyatibong ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan para sa mga hinaharap na programa na naglalayong mapabuti ang mga pangangailangan ng pampublikong paaralan at palakasin ang ugnayan sa komunidad.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan, maaaring lumikha ang sinuman at anumang grupo ng pangmatagalang positibong pagbabago para sa mga bata at pamilya sa Malita.