Advocacy Support Group, nakiisa sa Simultaneous Coastal Clean-Up Activity sa Leyte

Nakiisa ang mga kasapi ng Advacacy Support Group sa Simultaneous Coastal Clean-Up Activity sa Brgy. Baras at Brgy Candahug, Palo, Leyte nito lamang Setyembre 22, 2024.

Ito ay pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources katuwang ang mga tauhan ng Tacloban City MARPSTA, tourism frontliners, stakeholders, volunteer groups at iba pang mga government agencies.

Ang aktibidad ay kaugnay sa Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA MO) na may temang “Pamana ng Karagatan: Para sa Kinabukasan, Ating Ingatan”. Nagtulong-tulong ang grupo sa pagpulot at pagkolekta sa mga nagkalat na basura upang hindi na mapunta sa karagatan.

Layunin ng aktibidad na maipaabot sa komunidad ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran upang maprotektahan ang mga yamang dagat. Patuloy ang mga kasapi ng Advocacy Support Group na nakikiisa sa mga adbokasiya ng gobyerno sa pangangalaga ng kapaligiran at ng karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *