Barangay Peacekeeping Action Team, nakiisa sa Information Drive
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang information drive bilang bahagi ng pagdiriwang ng 30th National Crime Prevention Week, na ginanap sa Brgy. Calaocan, Santiago City nito lamang ika-20 ng Setyembre 2024.
Ito ay pinangunahan ng Isabela City Mobile Force Company, kasama at dinaluhan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs), Barangay Health workers (BHWs) at mga opisyales ng nasabing lugar. Ipinaliwanag ng mga tagapagsalita ang mga karapatan ng mga kabataan at kababaihan, anti-bullying at anti-illegal drugs.
Binigyang-diin din ang papel ng mga magulang at barangay officials sa pagpapanatili ng kaligtasan ng kabataan sa komunidad.
Hinikayat din ang dumalo na maging aktibo sa pagpigil sa krimen at paglaganap ng ilegal na droga, lalo na sa mga kabataan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga hakbang mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga kalahok tungkol sa kanilang mga karapatan, gayundin ang mga paraan upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa ano mang uri ng pang-aabuso.