Boys Scouts of the Philippines, nakiisa sa Symposium on Special Laws
Nakiisa ang mga Boys Scouts of the Philippines ng Catalunan Pequeño Elementary School sa isinagawang Symposium on Special Laws nito lamang Setyembre 24, 2024.
Ang aktibidad na ito na pinangunahan ng Baliok Police Station ay ginanap sa naturang paaralan kung saan ito ay nagsilbing bahagi ng School Camping Activity sa aktibong suporta ng mga guro. Kabilang sa tinalakay sa pagtitipon ay ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Republic Act 10627 o Anti-Bullying Act of 2013, Good Touch and Bad Touch at mga safety tips.
Ang pamahalaan at kapulisan ay patuloy na isinusulong ang mga adhikaing naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga kabataan ng sa ganoon ito ay magsilbing gabay upang mailayo sa kriminalidad.