BPATs, lumahok sa inisyatibong Pangkapayapaan at Kaayusan

Aktibong lumahok ang Barangay Peacekeeping Action Team ng Barangay Bekigan sa isang pagpupulong tungkol sa mga inisyatibong pangkapayapaan at kaayusan sa Bekigan, Sadanga, Mountain Province nito lamang ika-21 ng Setyembre 2024.`

Pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd Mountain Province Mobile Force Company (MPPMFC) ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng mga Barangay Officials ng nasabing lugar. Tampok sa aktibidad ang makabuluhang talakayan tungkol sa mga kritikal na update hinggil sa kapayapaan at kaayusan pati na rin ang mga aktibidad sa komunidad sa hinaharap.

Ibinahagi rin ng kapulisan ang mga kaukulang update sa mga inisyatibo sa pagpapatupad ng batas na binibigyang diin ang kanilang pangako na itaguyod ang kapayapaan at seguridad sa loob ng Bekigan at mga kalapit na lugar nito.

Layunin ng aktibidad na maisaaktibo ang kaalaman ng mga miyembro ng BPATs at barangay officials sa kanilang mga responsibilidad at tungkulin bilang peacekeeping personnel bilang kasangga ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan alinsunod sa adhikain ng pamahalaan na mapabuti ang estado ng bansa tungo sa Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *