BPATs Training, isinagawa sa Tabaco City, Albay

Nagsagawa ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) Training na ginanap sa sa Brgy. Tabiguian, Tabaco City, Albay noong ika-20 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga Barangay Peacekeeping Security Officers (BPSOs) at mga opisyales ng barangay, na naglalayong palakasin ang kanilang kakayahan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad. Sa pangunguna ng mga personahe mula sa RPCADU5 at Tabaco City Police Station (CPS), tinalakay ang mahahalagang paksa tulad ng Anti-Terrorism, Anti-Illegal Drugs, Violence Against Women and Children (VAWC), at mga Safety and Crime Prevention Tips.

Ang layunin ng mga talakayang ito ay sanayin ang mga miyembro ng BPATs upang maging epektibong tagapangalaga ng kanilang nasasakupan. Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang kaalaman at kasanayan, magkakaroon ang mga miyembro ng BPATs ng kakayahang makilala ang mga potensyal na banta, sugpuin ang illegal na droga, at ipagtanggol ang mga karapatan ng kababaihan at bata. Ang mga BPATs ay magiging pangunahing katuwang ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtutulungan para sa pagbuo ng isang ligtas at mapayapang kapaligiran para sa lahat ng residente ng barangay.

Ang pagsasanay na ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa mas matibay na samahan at mas maayos na pamumuhay para sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *