Free Cleft Lip Palate Surgery, handog ng Rotary Uptown Iligan
Pagbibigay ng libreng operasyon sa cleft lip palate handog ng Rotary Uptown Iligan para sa mga matatanda at bata ng Hilagang Mindanao sa darating na October 9-13, 2024.
Pinangungunahan ito ng Rotary Uptown Iligan kaisa ang Cranio Facial Foundation of the Philippines at VORTEX Commodities Co. USA. Ang mapapalad na mabibigyan ng serbisyong medikal ng nasabing programa ay ooperahan sa Gregorio T. Lluch, Memorial Hospital, Iligan City.
Ang layunin ng programang ito ay naglalayong mabigyan ng panibagong pag-asa ang bawat mamamayan na may kapansanan upang may sigla at ngiti na harapin ang bawat hamon sa kanilang mga buhay.