KKDAT Sta. Rita Chapter, nakiisa sa Mangrove Tree Planting Activity sa Samar
Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Sta. Rita Chapter sa isinagawang Mangrove Tree Planting Activity sa Brgy. Salvacion, Sta. Rita, Samar nito lamang Setyembre 22, 2024.
Pinangunahan ng KKDAT Sta. Rita Chapter ang naturang aktibidad kasama ang ASEZ WAO World Mission Society Church of God na mayroong internasyonal na young adult workers volunteer at mga tauhan ng 805th Maneuver Company, RMFB 8.
Ang layunin ng pagtatanim ng bakawan ay isang multifaceted na inisyatiba na nagpapahusay sa proteksyon sa baybayin, nagpapagaan sa pagbabago ng klima, nagtataguyod ng biodiversity, sumusuporta sa mga kabuhayan, at nagpapalakas sa katatagan ng mga komunidad.
Nais iparating ng nasabing grupo ang pagpapahalaga ng kalinisan ng dalampasigan at pangangala ng mga yamang-dagat na pinagkukuhanan ng mga pagkain at kabuhayan.