Livelihood at Skills Training para sa kababaihan, isinagawa

Matagumpay na naisagawa ng Local Government Unit ng Piñan ang Community Outreach Program sa mga kababaihan ng Barangay Dilawa, Zamboanga del Norte noong Linggo ika-22 ng Setyembre 2024.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa opisina ni SB Member Hon. Angelica J. Carreon, Board Member ng 1st District, at ni Hon. Cecilia J. Carreon, Municipal Mayor ng Piñan at sa tulong ng mga tauhan mula sa Provincial Headquarters (PHQ) sa pamumuno ni Police Captain Charlot M. Lapiz, Assistant Chief ng PIDMU, kasama ang Piñan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Dennis L. Pizarro, OIC ng Piñan PNP.

Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, patuloy na ipinapakita ng LGU ng Piñan ang kanilang pagiging bida sa pagbibigay ng mga oportunidad at suporta sa kanilang mga mamamayan, na nagiging daan para sa mas maunlad at progresibong komunidad sa Zamboanga del Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *