PWDs Culmination Activity, isinagawa sa Lamitan City
Matagumpay na naisagawa ang Persons Who Use Drugs (PWDs) Culmination Activity sa Barangay Maligaya, Limitan City noong ika-20 ng Setembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay naging insiyatiba ng Local Government ng Lamitan City sa pamamagitan ng City Anti-Drug Abuse Council at City Health Office, at pakikipagtulungan ng PDEA-Basilan, Lamitan City Police Station, CSWDO, MILG, Religious Sector at Barangay Local Government ng naturang lugar. Layunin ng aktibidad na ito na kilalanin ang pagsisikap ng mga PWDs na sumailalim sa rehabilitasyon upang magbagong buhay.
Ang mga kapulisan katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ay patuloy na magkakaisa upang patuloy na suportahan ang mga PWDs na magbago at muling makabangon muli.