Sangguniang Kabataan, nakiisa sa Anti-Illegal Drugs Symposium

Bilang pagkilala sa kahalagahan ng kabataan sa paglaban sa ilegal na droga at kriminalidad, nagsagawa ang mga tauhan ng 1104th MC RMFB 11 ng isang Simposyum laban sa Ilegal na Droga nito laman Setyembre 22, 2024.

Ang naturang aktibidad ay ginanap sa Barangay Gymnasium, Purok 5, Barangay Cabligan, Matano, Davao del Sur kung saan ay nagsilbing tagapakinig ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan at Barangay Peace and Order habang aktibo namang nakiisa si Punong Barangay Armand Bertamos.

Komprehensibong namang tinalakay ni Patrolman Joseph M Arañez ang mahahalaga at kaugnay na batas kabilang na rito ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Binigyan diin rin Pat Arañez ang mga crime prevention tips upang magsilbing gabay sa pag-iwas sa iba pang uri ng kriminalidad.

Ang kaligtasan ay responsibilidad ng lahat. Sa isiping ito, ang pagsisikap ng PNP at aktibong pakikipagtulungan ng komunidad ay mahalaga upang matiyak ang kapayapaan sa loob ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *