Social Media Awareness, dinaluhan ng Force Multipliers sa Tambler General Santos City
Dumalo sa isang Social Media Awareness ang mga opisyales ng Purok at Barangay at mga residente sa isinagawang pulong-pulong sa Purok Diamond Valley, Barangay Tambler, General Santos City nito lamang Linggo, ika-22 ng Setyembre, 2024.
Pinangunahan ni Police Corporal Jose D Dullano III at Police Corporal Hosen Satorre Ngilay ang lecture sa pamumuno ni Police Colonel Amante Q Suriaga, Chief ng Regional Police Community Affairs Development Unit 12. Itinuro sa mga residente ang kahalagahan ng wastong paggamit ng mga social media sapagkat napakaimportante sa panahon ngayon na mas mapanuri at mas maingat.
Pinaaalahanan ang mga dumalo na “think before click “o pag-isipang mabuti bago magpost sa mga social media.
Layunin ng lecture na ito na magkaroon ng kamalayan ang bawat isa at maiwasan ang mga krimen dulot ng social media sapagkat sa panahong ito talamak ang krimen na dulot nito. Panulat ni Bambam