Sama-samang pagtutulungan para sa seguridad at kapayapaan ng komunidad, idinaos

Dumalo at nakiisa ang mga magulang at guro ng Kalawit Central School sa idinaos na Crime Awareness Lecture na ginanap sa Barangay Poblacion, Kalawit, Zamboanga del Norte Imnito lamang lunes ika-23 ng Setyembre 2024.

Pinangunahan ng Kalawit Municipal Police Station sa pangunguna ni PCMS Evin D Endralino, MCAD PNCO, katuwang ang Kalawit Elemenray School na pinangunahan ni Mrs. Algie B Alcala, punong guro. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga tamang hakbang at pagbibigay ng mga mahalagang hotline numbers, pinaalalahanan ang mga magulang at guro na palaging maging alerto at agad makipag-ugnayan sa mga otoridad kung kinakailangan.

Ang pagtutulungan ng mga magulang, guro, at mga otoridad ay isang mahalagang susi upang masiguro ang isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral at lahat ng mamamayan ng Kalawit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *