Mga Force Multipliers, nakiisa sa Special Tree Planting Activity
Nakiisa sa Tree Planting Activity ang MENRO La Trinidad sa Puguis Communal Forest, La Trinidad, Benguet noong Sabado, ika-28 ng Setyembre 2024. Ang tema ng aktibidad, “Environmental Health: Creating Resilient Communities through Disaster Risk Reduction and Climate Change Mitigation and Adaptation,” ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtatanim ng puno bilang pangunahing hakbang sa pangangalaga ng kalikasan.
Matagumpay ang naturang aktibidad ng MENRO La Trinidad sa pangunguna ni Arthur Pedro. Katuwang dito ang Trinidad Municipal Police Station, na pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Benson Macli-ing, Chief of Police, kasama rin ang La Trinidad District Jail.
Dumalo din ang Cordillera Eagles Region of the Fraternal Order of Eagles na pinangunahan ni Hon. Ferdinand Moldero, Governor, at mga kasapi ng Metro Benguet Lions Club, La Trinidad Women’s Brigade, Philippine Anahaw Force Multipliers, at Rotary Club.
Layunin ng programang ito na protektahan at mapanatili ang kagandahan ng kalikasan at kapaligiran upang mabawasan ang masamang epekto ng pagbabago ng klima o climate change. Patuloy na hinihikayat ng MENRO, katuwang ang La Trinidad PNP at iba pang ahensya ng gobyerno, ang mga mamamayan na pahalagahan at ingatan ang kalikasan para sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.