Barkadahan Clean-up Drive, isinagawa sa Impasug-ong, Bukidnon

Matagumpay na isinagawa ang Barkadahan Clean-up Drive sa Sitio Ilignan Zone 1-3, Impasug-ong, Bukidnon, nito lamang ika- 28 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay aktibong nilahukan ng mga Barangay Health Workers, Brgy. Officials, Brgy Tanod, Purok Leaders at mga residente ng Zone 1-4 Brgy Iligan.

Tulong-tulong ang mga miyembro ng naturang grupo sa pag-iikot sa barangay upang makapulot ng mga iba’t ibang basura.

Tinatayang nasa anim na sako ng iba’t ibang basura ang kanilang nakolekta. Layunin ng aktibidad na magtulungan ang mga miyembro ng komunidad upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng lugar, na makakapagpabuti sa kalidad ng pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *