BPATs nagsagawa ng Mangrove Tree Planting Acitivty sa Sulu

Matagumpay na isinagawa ang Mangrove Tree Planting Activity ng mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa Barangay Tabialan, Banguingui, Sulu nito lamang ika-28 ng Setyembre 2024.

Pinangunahan ng BPATs ng naturang lugar ang aktibidad katuwang ang Banguingui Municipal Police Station at nakapagtanim ng nasabing puno na makakatulong sa kapaligiran.

Naglalayon ang aktibidad na ito na patuloy na magsasagawa ang kapulisan at mamamayan upang maprotektahan ang mga baybaying dagat laban sa erosion na mapanatili ang biodiversity, at magbigay ng tirahan sa mga isda at iba pang yamang-dagat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *