Advocacy Support Group, nakiisa sa Symposium Activity sa Bohol
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Symposium Activity na ginanap sa Brgy. Tambongan, Candijay, Bohol noong ika-30 ng Setyembre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Candijay Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Albert R Sator.
Isa sa mga pangunahing tinalakay sa aktibidad ay ang mga panganib ng iligal na droga at ang mga legal na implikasyon nito. Pinag-usapan din ang KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terorismo), isang inisyatibo na naglalayong hikayatin ang mga kabataan na maging aktibong kalahok sa paglaban sa mga bisyo at krimen.
Kasama rin dito ang pagtalakay sa Anti-Rape Law at Anti-VAWC (Violence Against Women and Children) upang protektahan ang mga sektor na madaling maging biktima ng karahasan.
Ang ganitong mga inisyatiba ay tugma sa pangarap ng administrasyong Bagong Pilipinas na magtatag ng isang makatao, maunlad, at ligtas na bansa para sa lahat.