BPATs Skills Enhancement Training, isinagawa sa Masbate

Aktibong dumalo sa Skills Enhancement Training ang mga opisyales ng Barangay Banco, Palanas kabilang ang mga miyembro ng Tanod, BHWs na isinagawa sa nasabing barangay nito lamang ika-1 ng October 2024.

Ito ay pinangunahan ng mga personahe ng Masbate 2nd PMFC, Palanas MPS, BFP, DENR, MENRO, and MDRRMO sa pakikipag tulungan sa mga tauhan ng Charlie Company, 2IB, Philippine Army.

Tinalakay ng mga tagapagsanay sa nasabing aktibidad ang tungkol sa Katarungan Pambarangay, Drug Awareness, Community Anti-Terrorism Awareness (CATA), Knowing the Enemy (KTE), NTF-ELCAC, Fire Prevention, Basic Life Support, Solid Waste Management tamang pamamaraan ng pag-aresto at handcuffing technique.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong makatulong at magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers ng Barangay upang magkaroon sila ng kaalaman na kapaki-pakinabang sa kanilang tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *