Advocacy Support Group, nakilahok sa OPLAN BES sa Cebu
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa OPLAN BES o Bisita Eskwela I Am Strong na ginanap sa Saksak Elementary School, Asturias, Cebu noong ika-2 ng Oktubre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng 1st PMFC sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Danilo R Yema Jr, katuwang ang Asturias MPS at Pastora Emma Sasil.
Layunin nito na magbigay ng kamalayan tungkol sa mga batas tulad ng RA 7610, RA 9208, RA 8353, at iba pang isyu tulad ng sexual abuse, anti-bullying, at tamang paghawak (Good and Bad Touch).
Bahagi rin ng talakayan ang programang BIDA na naglalayong magbigay ng kaalaman tungkol sa mga droga at paano maiwasang maging biktima nito.
Ang pakikiisa ng iba’t ibang grupo sa mga adhikain ng ating gobyerno ay nagbibigay ng pag-asa para pagkamit ng isang ligtas at payapang bansa.