KKDAT Mental Health Awareness Symposium, isinagawa sa Ormoc City

0
461874491_391190684042726_8003189376521936659_n

Matagumpay na naisakatuparan ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo Mental Health Awareness Symposium sa Barangay Ipil Covered Court, Ormoc City nito lamang Oktubre 3, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pastor Ricardo De Asis Jr., Seventh Day Adventust Church kasama ang mga tauhan ng Police Drug Enforcement Group Special Operation Unit 8 bilang Resource Speaker, na aktibong dinaluhan ng mga estudyante ng Sto. Niño College of Ormoc.

Tinalakay ang mga paksa patungkol sa Mental Health Awareness at Resistance Education Against Drugs.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong turuan ang mga kabataan laban sa masamang epekto ng iligal na droga at terorismo at hikayatin ang mga ito na maging parte sa paglaban sa kriminalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *